Agad nagpadala ang mga tauhan ng Davao Oriental Police Provincial Office ng mga uniformed personnel na bumubuo ng Search and Rescue at Medical Team upang magbigay tulong sa mga biktima ng katatapos lamang na lindol nito lamang Oktubre 10, 2025.


Agad nagkaroon ng disaster inspection at assessment sa mga lugar tulad ng hospital, establishment, building, at iba pa at agad inilikas sa safe zone lalo na ang mga residenteng na malapit sa baybaying dagat dahil sa warning signal na ipinalabas ng PhilVocs na Tsunami Warning.


Ang Davao Oriental PNP ay siniguro ang medical assistance, crowd control, logistical support katuwang ang militar, upang lahat ng apektado ng lindol ay makatanggap ng tulong mula sa pamahalaan bilang agarang aksyon sa malakas na lindol at nanawagan na maging alerto at sumunod sa patakaran upang maiwasan na magkaroon ng casualty.

