Timbog ang isang noturyos na kriminal sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad bandang 9:42 ng umaga nito lamang Lunes, Oktubre 13, 2025 sa Barangay Bayanga Sur, Matanog, Maguindanao del Norte.

Kinilala ang suspek na si alyas “Rob”, 28 anyos, residente ng naturang lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansang ₱200,000.00.

Solido ang PNP sa pagtugis sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *