Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Cagayan de Oro sa pamamagitan ng pilot launching ng Kadiwa ng Pangulo kasabay ng Klarex nga Serbisyo sa Baryo sa Barangay Tignapoloan noong Sabado, Oktubre 11, 2025.

Pinangunahan ng City Agricultural Productivity Operations Office sa pamamagitan ng Agribusiness Development Division, katuwang ang Department of Agriculture Region 10, ang implementasyon ng nasabing programa.

Sa ilalim nito, maaaring magtinda ang mga magsasaka ng kanilang mga sariwa at likas na produkto tulad ng prutas, gulay, root crops, at iba pang lokal na ani upang madagdagan ang kanilang kita at mapalakas ang sektor ng agrikultura sa lungsod.

Sa unang pagsasagawa ng Kadiwa ng Pangulo sa Tignapoloan, lumahok ang ilang mga asosasyon ng magsasaka kabilang ang Barangay Tignapoloan Victory Farmers Association, Integrated Victory Farmers Association, Mahinafa Magayad Higaonon Integrated Abaca Farmers Association, at Salimbal Tignapoloan Cagayan San Isidro Community Farmers Association.

Layunin ng programang ito na tulungan at bigyan ng mas malawak na pagkakataon ang mga lokal na magsasaka na maibenta ang kanilang mga ani at produktong agrikultural nang direkta sa mga mamimili, nang walang dumaraang middleman o dagdag na gastos.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *