Personal na bumisita si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga pamilyang apektado ng nagdaang malakas na lindol sa Manay, Davao Oriental nito lamang Lunes, Oktubre 13, 2025.
Ang naturang pagbisita ay isinagawa upang personal na malaman ang sitwasyon ng mga apektadong pamilya, assessment sa mga nasira establishments at upang masiguro na naipa-abot ang kelangan na tulong upang maibsan ang mga suliranin at problemang kinakaharap ng pamilyang apektado.

Mainit na tinanggap ang Pangulong Marcos Jr., ni Regional Director Ednar Dayanghirang, Civil Defence XI, Regional Director Rhuelo D Aradanas, Deartment of Social Welfare and Development XI, USEC Murillo ng Department of Health, Governor Nelson Dayanghirang at Congressman JR Dayanghirang.
Tiniyak naman ni PBBM na tulong-tulong ang lahat ng sangay ng pamahalaan upang maipa-abot ang lahat ng tulong sa mga apektadong mamamayan upang mas mapabilis ang pagbangon at nanawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang malampasan ang problema na dulot ng natural na kalamidad sa Davao Region.
