Ipinamahagi sa mga magsasaka ni Mayor Law Fortun sa inklusibong pag-unlad at pagpapalakas ng produksyon ng palay ang blessing ceremony ng mga bagong makinaryang pangsaka sa Research Center sa Barangay Los Angeles,Butuan City Rice nito lamang ika-13 ng Oktubre 2025.

Upang higit pang mapatatag ang suporta sa mga magsasaka, bumili ang City Agriculture and Veterinary Department ng karagdagang Cargo Truck, Rice Transplanter, at Farm Tractor.

Bukod dito, nakatanggap din ang lungsod ng Four-wheel Tractor at Rice Combine Harvester sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ng Department of Agriculture–PhilMech.

Ang mga modernong makinaryang ito ay bukas at handang magamit ng mga magsasaka na nagnanais matuto at magpatupad ng makabagong teknolohiya sa Butuan City Research Center.

Ang Farm Mechanization Program ay isa sa mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod ng Butuan na layuning mapabilis ang produksyon, mapataas ang kita ng mga magsasaka, at makamit ang rice sufficiency sa lokal na antas.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *