Tumaas ang kità ng Makugihon Organic Farming Association (MOFA) sa bayan ng San Pablo sa lalawigan ng Zamboanga del Sur dahil sa suporta’t tulong ng Department of Agriculture–Special Area for Agricultural Development o DA-SAAD Program Phase 2 noong ika-15 ng Oktubre 2025.


Batay sa kanilang talaan, tumaas ng 32% ang volume ng kanilang squash harvest sa taong kasalukuyan.
Noong taong 2024, ang MOFA ay nakaani ng higit sa 8.7 na tonelada, at kumità ng P644,000.00.
Noong buwan ng Agosto nito lamang taon, ang asosasyon ay naka-ani ng higit sa 11.6 na tonelada, at kumità ng higit P200,000.00.
Dahil dito, pinuri ng Department of Agriculture Regional Office-9 (DA-9) ang mga miyembro ng MOFA dahil sa kanilang pagsisikap at pagtalima sa mga tuntunin ng programa.
Ang SAAD program ng Kagawaran ng Agrikultura ay kaagapay sa maunlad na buhay ng mga pamayanang nasa laylayan ng lipunan.