Patay ang isang lalaking negosyante matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Magaslong, Datu Piang, Maguindanao del Sur nito lamang umaga ng Miyerkules, Oktubre 29, 2025.

Kinilala ang biktima na si alyas “Tice,” 30 anyos, negosyante ng surplus car buy and sell, at residente ng Barangay Butilen, Datu Salibo.

Nabatid na nagka-carwash ang biktima sa puting Isuzu minivan nang biglang dumating ang dalawang lalaking sakay ng isang Honda XRM na kulay itim at puti at walang habas na binaril ang biktima mula sa likuran na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Datu Piang PNP at nanawagan sa mamamayan na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan sa mga nakakita ng insidente upang mas mapabilis na malutas at mabigyan ng hustisya ang biktima at pamilyang naiwan nito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *