Patay ang isang barbero matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa kahabaan ng Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao del Sur bandang 9:55 ng umaga nito Lunes, Nobyembre 24, 2025.
Kinilala ang biktima na si alyas “Wawi” nasa wastong gulang, may asawa at residente ng Barangay Libutan, Mamasapano, Maguindanao del Norte.
Nabatid na ang suspek ay sakay ng kanyang kulay itim na Kawasaki Bajaj 125 patungo sana ng Barangay Tuka nang bila nalamang pagbabarilin ng nakaabang na armadong suspek at agad na tumakas pagkatapos ng pamamaril.
Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.
Samantala, narekober naman sa crime scene ang limang basyo ng bala.
Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng Mamasapano PNP at nanawagan sa mamamayan na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan sa mga nakakita ng insidente upang mas mapabilis na malutas at mabigyan ng hustisya ang biktima at pamilyang naiwan nito.