Nasabat ang tinatayang mahigit P21 milyong halaga ng puslit na yosi sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad nito lamang Nobyembre 30, 2025 sa Port Area, Zamboanga City.
Napag-alaman na naharang ng PNP ang isang wing van na naglalaman ng 300 master cases ng assorted ng puslit na yosi na nagkakahalaga ng P21 milyon.
“This operation underscores our continuing campaign against smuggling and other illegal activities that undermine lawful trade and national security. PRO 9 will remain steadfast in enforcing the law and protecting the economic integrity of our borders.” pahayag ni Police Brigadier General Edwin A Quilates, Acting Regional Director ng Police Regional Office 9.
Source: Police Regional Office 9