Sumuko ang 10 miyembro ng Violent Extremist Group sa mga otoridad sa Sultan Kudarat nito lamang Nobyembre 30, 2025.
Nabatid na siyam sa mga sumuko ay mula sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters Karialan Faction habang isa naman mula sa Dawla Islamiya Group.
Isinuko din ang 15 loose firearms.



Dumalo sa naturang aktibidad si Atty. John Nadua bilang kinatawan ng Provincial Government ng Maguindanao del Norte, Banjo Mampon ng LGU Sultan Kudarat at iba pang opisyal.
Ito ay malinaw na mensahe ng pamahalaan sa kampanya na tuldukan ang anumang uri ng karahasan, kriminalidad, terorismo at insurhensya na balakid sa pagkamit ng katahimikan at kaunlaran sa ating bayan.