Nasabat ang tinatayang mahigit P56 milyong halaga ng puslit na yosi at tiklo ang 17 indibidwal sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad nito lamang Nobyembre 30, 2025 sa Sulu at Tawi-tawi.
Napag-alaman na naharang ang dalawang bangkang-de-motor na naglalaman ng 27,000 sako ng bigas at 12,828 pakete ng iba’t ibang pagkain at consumer goods na smuggled na nagkakahalaga ng P35,878,869 at 350 master cases ng iba’t ibang foreign-branded na puslit na yosi na tinatayang nagkakahalaga ng P20,355,000.


Kasong paglabag sa Section 1401 o Unlawful Importation or Exportation ng Republic Act 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang kakaharapin ng 17 suspek.
Patuloy sa pagsugpo sa iligal na aktibidad at smuggling ang PNP at Philippine Navy tungo sa isang payapa at maunlad na bansa.