Patay ang isang 17-anyos na buntis matapos saksakin sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ng mismong live-in-partner nito sa Brgy. Pinaring, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nito lamang Nobyembre 30, 2025.

Kinilala ang biktima na si alyas “An” at ang suspek na si alyas “Akmad”.

Nabatid na isang concerned citizen ang nag-report sa naturang domestic violence na humantong sa kamatayan ng biktima.

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga operatiba ng Sultan Kudarat PNP ay agad nahuli ang suspek sa agarang hot pursuit operation ng kapulisan at nahaharap sa kasong Murder.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *