Sugatan ang mag-ina na tinadtad ng saksak habang patay ang suspek matapos manlaban sa rumespondeng mga otoridad sa Bobby Auto Shop, Purok 6, Calinan, Davao City nito lamang Martes, Disyembre 2, 2025.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas “Marian” at kanyang anak na si alyas “Igreian”, 26 anyos.

Nabatid na bigla na lamang sinaksak ang mag-ina na kasalukuyang nagpapagamot sa hospital ng suspek na si alyas “LJ”, 43 anyos, residente ng Purok 2, Barangay Riverside, Calinan District, Davao City.

Agad naman tumakas ang suspek at nagsagawa ng hot pursuit ang kapulisan at kasundaluhan.

Nang nakorner ang suspek ay sinugod nito ang isang sundalo at akmang sasaksakin kaya napilitang barilin ang suspek bilang self-defense na dahilan ng agarang pagkamatay ng suspek.

Patuloy ang malalim na imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang motibo sa pananaksak ng suspek upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *