Isinuko ng Indigenous Peoples (IP) Communities ang mga baril at bala kaugnay sa Peace Summit sa Sitio Mandalayag, Barangay Pianing at Sitio Patagon, Barangay Anticala, Butuan City nito lamang Disyembre 3, 2025.

Nabatid na ang mga isinukong mga baril at bala ay isang M1 Carbine rifle (.30 caliber) na may magazine, isang .45 caliber pistol na may magazine at limang bala, isang improvised shotgun, tatlong rounds ng 12-gauge ammunition, at siyam na bala.

Pinagsama-sama sa naturang summit ang mga pinuno ng tribo, mga dating miyembro ng armadong grupo, at mga puwersang panseguridad upang pagyamanin ang diyalogo, paggaling, at pagkakaisa ng komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *