Nasakote ang isang 19 anyos na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person (Municipal Level) sa ikinasang operasyon ng mga otoridad bandang 1:00 ng hapon nito lamang Huwebes, Disyembre 4, 2025 sa P-4 Barangay Imbatug, Baungon, Bukidnon.
Kinilala ang suspek na si alyas “John”, 19-anyos, residente ng Sitio Man-ay, Tignapoloan, Cagayan de Oro City.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Criminal Case No. R-CDO-25-04036-CR na walang inirekomendang piyansa.
Solido ang PNP sa pagpapatupad ng batas at nanawagan sa publiko ng kooperasyon para sa isang maunlad at mapayapang bansa.