Narekober ang tinatayang mahigit P19.84 milyong halaga ng puslit na yosi at iligal na droga sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad sa Barangay Kinudalan, Lebak, Sultan Kudarat bandang 2:54 ng madaling araw nito lamang Huwebes, Nobyembre 4, 2025.
Napag-alaman na narekober ang Victor Angilo, Commissioner Green, President Yellow, Commissioner Red, President Black, President Red, Berlin, at Lasa brand na may 260 boxes na nagkakahalaga ng Php10,215,400 at dalawang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php13,600.


Nang papaalis na ang mga otoridad, nadiskubre rin sa baybayin ang 245 boxes ng Lasa at Brooklyn na puslit na yosi na nagkakahalaga ng Php9,626,050.
Umabot sa 505 boxes ng puslit na yosi na umabot sa kabuuang Php19,841,450 milyon.
Patuloy sa pagsugpo sa iligal na aktibidad at smuggling ang PNP tungo sa isang payapa at maunlad na bansa.

