Sugatan ang isang intelligence officer ng Philippine Air Force (PAF) nang pagbabarilin ng isang pulis at love triangle ang nakikitang dahilan sa Montesino Drive sa Zamboanga City.

Kinilala ang biktima na isang Air Force Staff Sergeant, 41 anyos, at kasalukuyang nasa pagamutan dahil sa pamamaril habang ang suspek ay isang aktibong pulis, na nakatalaga sa Sumisip Municipal Police Station sa lalawigan ng Basilan.

Nabatid na papasok na sana sa trabaho ang biktima nang maispatan nito ang behikulo ng kaniyang misis na si alyas “Daisy” na nakaparada sa harapan ng isang apartment. Ilang minuto din nitong minanmanan ang kanyang asawa at lumabas sa naturang establishment kasama na ang suspek na pinaniniwalaang kalaguyo nito.

Bigla namang nakita ng misis ang kanyang mister na si PAF sa ‘di kalayuan kaya biglang pumasok muli ang nasabing pulis sa kanyang apartment at paglabas muli nito ay may dalang baril ang suspek na pulis at pinaputukan si PAF at agad na tumakas pagkatapos ng pamamaril.

Samantala, agad namang nahuli sa follow-up operations ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office ang tumakas na suspek na pulis at kinondena ng Police Regional Office (PRO) 9 ang ginawang pamamaril nito at nagbigay ng katiyakan na hindi kukunsintihin ng kanilang pamunuan ang maling gawain at tiniyak din ang pagpapatupad ng batas upang makamtan ang hustisya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *