Tinatayang P1,146,000.00 halaga ng puslit na yosi ang narekober ng mga otoridad sa ikinasang station-initiated checkpoint operation bandang 11:10 ng umaga noong Disyembre 16, 2025 sa Purok 2, Barangay Bagor, Kadingilan, Bukidnon.

Nabatid na isang itim na Nissan Lavina SUV na bumiyahe mula Barangay Bagongbayan patungong Poblacion, Kadingilan ang naharang ng pulisya na may kargang isang karton na may markang “Seven Kings” at bigo ang driver na magpakita ng kaukulang dokumento na nagpapatunay sa legalidad ng mga nasabing produkto kaya dinakip ito.

Narekober ng kapulisan ang 28 kahon at 33 reams ng Seven Kings brand na aabot sa halagang P1,146,000.00.

Patuloy ang PNP sa pagsugpo sa iligal na smuggling sa bansa tungo sa isang maayos at maunlad na komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *