Inaasahang makapagbigay ng libu-libong trabaho para sa mga pinoy ang working trip ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr sa mga bansang Germany at Czech Republic, iyan ay ayon kay House Speaker Martin Romualdez, nito lamang Huwebes, March 14, 2023.

Dagdag pa ni Romualdez na kabaliktaran sa mga akusasyon sa Pangulo, punong-puno ang schedule nito upang makibahagi sa mga back-to-back engagements, meetings, at talakayan kaugnay sa pagkakaroon ng produktibong ugnayan sa naturang mga bansa para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.

Saad rin ni Romualdez na ang nasabing bilateral meeting kasama si PBBM at German Chancellor Olaf Scholz, ay positibong nagresulta sa pagbukas ng mga oportunidad para sa mga manggagawang Pilipino sa bansang Germany. Sa katunayan, nagpasa pa ang Germany ang Skilled Immigration Act upang mas pagaanin at iklian ang mga kinakailangang requirements ng mga nagbabalak mag-apply.

Ayon sa ulat, nasa 400,000 karagdagang manggagawa pa ang kailangan ng Germany para mapunan ang kanilang labor gap para sa pag-usad ng kanilang ekonomiya.

Samantala sa Czech Republic naman, nakameeting ng Pangulo si with Czech President Petr Pavel, kung saan tinalakay nito ang karagdagang quota ng manggagawang Pinoy sa nasabing bansa. Simula nitong Enero 2024, nasa 5,500 per year ang naidagdag, habang 10,300 naman kada taon simula sa darating na May 2024, higit na mataas ng 900-percent sa initial quota na 1,000 sa taong 2018.
 
Source: PNA

Photo Courtesy by PNA

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *