Sa ginanap na pamamahagi ng Land Electronic Titles sa Davao City, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang dedikasyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kanilang papel sa pagpapakain sa buong bansa at ipinangako ang suporta ng gobyerno. Ayon sa kanya, bagama’t may mga tulong na natatanggap mula sa pamahalaan, tila maliit pa rin ito kumpara sa pangangailangan ng mga magsasaka.
Kaya naman, nangako siyang paiigtingin ang mga programa ng gobyerno upang masiguro ang mas magandang kalidad ng buhay para sa kanila. Sa pamamagitan ng modernong kaalaman sa agrikultura at Whole-of-Government Approach, inaasahang maisasakatuparan ang pangako ng pamahalaan na hindi na magiging mahirap ang buhay ng mga magsasaka.