Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na binasa ni Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. sa pagdiriwang ng ika-27 Anibersaryo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na ginanap sa Tarlac nito lamang Marso 22, 2024, ay kanyang ipinangako na gagawin niyang “multi-mission-ready, cross-domain, at may kakayahan” ang Hukbong Katihan ng Pilipinas na agad na makatugon sa mga banta sa kasarinlan ng bansa.
Bukod pa dito ay muling ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang pangako na gawing modernisasyon ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP).
Hinimok din ng Pangulo ang Hukbong Sandatahan na palakasin ang kanilang kakayahan sa cybersecurity.
Ang pahayag ng Pangulo ay nag-ugat sa gitna ng tumataas na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa mga territorial dispute sa South China Sea.
Mula nang umupo si Marcos sa tungkulin noong 2022, sinabi niya na pinalakas ng militar at coast guard ang kanilang mga operasyon upang mag-suplay ng tropa sa isang liblib na pwesto at bantayan ang mga mangingisda, na umaasa sa mga karagatan sa loob ng maraming henerasyon.
Nais din ng Pangulo na palalimin ang kooperasyon sa Estados Unidos, habang tumitindig ito laban sa Tsina sa West Philippine Sea.
Sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty, nagkasundo ang Pilipinas at ang US na ang pag-atake sa isa sa kanila ay ituturing nilang banta sa kanila pareho at mangangailangan ng magkasamang tugon.
Sinabi rin ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado na nananatili ang Washington sa kanilang “matibay na pangako” na ipagtatanggol ang Pilipinas laban sa anumang pag-atake sa South China Sea.
Pinagtibay din ni Marcos ang lakas ng ugnayan sa iba pang mga kaalyado ng US kasama na rito ang Australia kung saan pumirma sila ng defense pacts kasama ang United Kingdom at Canada, at nagkaroon ng negosasyon para sa isang kasunduan na magkasamang bibisita sa Japan.
Sa kabila ng alitan, ipinahayag ni Marcos na patuloy ang kanyang pakikipag-usap sa Beijing at hindi niya nais na marating ang punto kung saan kailangan ng Pilipinas na gamitin ang kanyang kasunduang pangdepensa sa US.
“I hope the time never comes that we have to answer that question,” pahayag ni Marcos. “When you talk about the mutual defense treaty, to invoke that, actual outright violent conflict, then this is a very, very dangerous, very, very slippery road to go down.”
Pinuri rin ni Marcos ang mga opisyal ng Hukbong Sandatahan, mga enlisted personnel, mga civilian employee, partners at force multipliers sa komunidad para sa mga mahahalagang papel na kanilang ginagampanan sa accomplishments ng misyon ng Army.
Kinilala rin ng Pangulo ang hepe ng Army na si Lt. Gen. Roy Galido para sa patuloy na pagpapataas ng moral ng mga kasundaluhan sa pamamagitan ng kanyang magandang halimbawang pamumuno.
Source and Photos: The Manila Times