Sa pagsagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga tauhan ng 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company katuwang ang San Miguel MPS, Dimataling MPS, San Pablo MPS, Pitogo MPS, Lapuyan MPS, Vincenzo Sagun MPS, ZSPIT RIU 9, 902nd MC-RMFB9, ZSPIU, RA-RID 9, S2 1st Cav Armor Div PA, NISU63, at NISG WM, tuluyang sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) nito lamang ika-9 ng Mayo taong kasalukuyan.
Kinilala ng mga kapulisan ng 2nd ZSPMFC ang sumukong isang lalake, 65 anyos, at residente ng Purok 4, Barangay Sumpot, Dimataling, Zamboanga del Sur na miyembro ng NPA sa ilalim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), isang left leaning organization ng CTG at nagserbisyong guerilla fighter at kalaunan ay naging tagapangalaga at lookout ng grupo.
Ang nasabing sumukong miyembro ay pinalaya pagkatapos manumpa ng panunumbalik sa gobyerno.
Dahil rito, hinimok pa ng mga kapulisan ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng ECLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni Kaye Francisco