Dahil sa patuloy na pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ay tuluyang sumuko ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Zamboanga del Sur nito lamang ika-3 ng Mayo 2024.
Kinilala ang sumuko na isang lalaki, 42 anyos at residente ng Guipos, Zamboanga del Sur na miyembro ng Hingpit na Organisadong Masa/Bario Revolutionary Committee HOM/BRC sa ilalim ng GF KARA, WMPRC at miyembro ng Salabukan No’k G’taw Subanen (SGS), isang Communist Affiliated Mass Organization (CAMO) ng Indigenous People (IP) sector sa ilalim ng UGMO Revolutionary Organization of Lumad (ROL) ng Regional Urban Committee RUC, WMRPC na isang left leaning organization ng CTG.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko na at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.