Masayang bumisita at nagbigay ng tulong ang minamahal nating presidenteng si Bongbong Marcos Jr kasama ang kanyang minamahal na asawa na si Ginang Marie Louise “Liza” Araneta Marcos, sa mga Zamboangeno lalo na sa mga magsasaka at mga mangingisda na apektado ng El Nino na ginanap sa Western Mindanao State University Gymnasium, Baliwasan Zambonaga City at sa Universidad de Zamboanga Summit Gymnasium, Tetuan, Zamboanga City nito lamang ika-9 ng Mayo taong kasalukuyan.

Sa kalagitnaan ng aktibidad, naramdaman ng mag-asawa ang mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Zamboangeno.

Patuloy naman na sinusuportahan ni PBBM ang Agri-Fishery Assistance Program na naglalayong tulungan ang mga magsasaka at mangingisda, gayundin ang First Lady, Marie Louise “Liza” Araneta Marcos at Atty Benhur C. Abalos, Jr. DILG Secretary na pinangunahan ng Presidential Assistance of Farmers, Fisherfolk and Families ang aktibidad na dinaluhan ng mga Farmers beneficiaries ng iba’t ibang Barangay sa Zamboanga City.

Bukod sa tulong pinansyal na inihatid mula sa DSWD at bigas mula sa Office of House Speaker, binuksan din sa lungsod ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, LAB for ALL at aplikasyon para sa scholarship na programa ng CHED at TESDA.

Ang matagumpay na aktibidad na ito ay patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay simbolo ng umaangat na Pilipinas tungo sa pagbabago para makamit ang mapayapa, maayos at maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Conde

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *