Matagumpay na isinagawa ang bloodletting activity ng lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat na ginanap sa Barangay Gymnasium, Blk. 2, Prk. 9, Barangay Poblacion, Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang ika-11 ng Mayo 2024.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni PLtCol Neil Sally Wadingan, Force Commander.

Layunin ng aktibidad na magkaroon ng pondo ng dugo para sa ating mga kababayan na nangangailangn ng tulong.

Hinihikayat din ng lokal na pamahalaan ang mga residente na makilahok sa ganitong mga programa lalo na ang pagbabahagi ng dugo para makatulong sa pagdugtong ng buhay ng mga nangangailangan.

Panulat ni Bambam

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *