Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga kapulisan ng 903rd MC-RMFB9 katuwang ang Diplahan Municipal Police Station, tuluyang sumuko ang labing-isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) nito lamang ika-11 ng Mayo taong kasalukuyan.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Joel”, lalake, 36; alyas “Tess”, babae, 49; alyas “Manuel”, lalake, 30; alyas “Roge”, lalake, 57; alyas “Florie”, babae, 24; alyas “Lyn”, babae, 32; alyas “Sher”, babae, 27; alyas “Teofil”, 56, matandang lalake; alyas “Deo”, matandang babae, 64; si alyas “Fel”, lalake, 30; at alyas “Man”, matandang lalake, kasal, 56 at lahat ay residente ng Sitio Sacaon, Barangay Guinoman, Diplahan, Zamboanga Sibugay na miyembro ng NPA sa ilalim ng CTG’s Affected Mass Organizations.

Sila ay mga supporters ng Regional Urban Committee, Zamboanga Sibugay Chapter at nagsisilbing tagabili ng mga bigas at iba pang mga essential supplies at mga pansariling pangangailangan ng mga rebeldeng grupo sa ilalim ng dismantled MRGU, WMRPC.

Ang mga nasabing sumukong miyembro ay walang outstanding Warrant of Arrest at pinalaya pagkatapos manumpa ng panunumbalik sa gobyerno.

Binigyan sila ng Generator Set na gagamitin kapag magkaraoon ng power interruption bilang pagsuporta sa ELCAC activities na “Banana Chips”. Ito ay isang umusbong na aktibidad ng RMFB9 (PROJECT JOEY) na isang pinagkukunan nila ng hanapbuhay para sa pamilya at pang araw-araw na gawain.

Dahil rito, hinimok pa ng mga kapulisan ang mga natitirang miyembro ng NPA na sumuko at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng ECLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.

Panulat ni Kaye Francisco

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *