Nagsagawa ng Drug Screening para sa mga empleyado ng pamahalalaan ng Tagum nito lamang ika-11 ng Mayo, taong kasalukuyan sa Civil Security Unit Office sa Energy Park, Tagum City.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng City Human Resource Management Office sa pakikipagtulungan sa City Health Office at Philippine Drug Enforcement Agency alinsunod sa Drug Free Workplace Program.

Kaugnay nito, makakatanggap ng nararapat na kaparusahan ang sino man na magpopositibo sa pagsusuri na ito.

Lubos na ninanais ng lungsod ng Tagum sa pangunguna ni Tagum City Mayor Honorable Rey T Uy na tiyakin ang kaligtasan sa naglilingkod upang ipamalas ang kahusayan na siyang daan upang maging magandang ehemplo sa mga mamamayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *