Nagsagawa ng Integrated Health Awareness Symposium sa mga Senior High School Student sa Barangay Linao, Matalam, Cotabato nito lamang ika-23 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office sa pagtataguyod ng aktibidad ang Department of Education at lokal na pamahalaan ng Barangay Linao.

Sa hangaring mabigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral sa senior high school hinggil sa tamang pangangalaga sa katawan lalo na sa mga usaping tulad ng oral health, teenage pregnancy at Sexually Transmitted Infections (STIs).
Dinaluhan ng 100 na estudyante mula sa Sarayan High School, Sta. Maria High School, at Linao High School na sabay-sabay na sumailalim sa talakayan tungkol sa tamang pangangalaga sa katawan habang nagdadalaga at nagbibinata at masamang epekto ng maagang pakikipagrelasyon at pakikipagtalik na humahantong sa teenage pregnancy.

Naging sentro din ng symposium ang talakayan tungkol sa STIs, Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) na nagbigay ng kaalaman sa mga partisipante tungkol sa nabanggit na karamdaman kung paano ito maiiwasan, malulunasan at ang epekto nito sa kalusugan ng tao.
Hinikayat rin niya ang mga ito na maging inspirasyon sa kapwa nito kabataan at maging daan sa paghubog ng isang mas malusog at maunlad na komunidad.