Nagsagawa ng Integrated Health Awareness Program ang LGU Cotabato para sa mga buntis sa Arakan, Cotabato nito lamang ika-27 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ang naturang programa para sa 150 na pregnant women.

Ito ay bahagi rin ng “Safe Motherhood Celebration” ng lalawigan kung saan tinalakay rito ang kahalagahan ng “antenatal care” o pangangalaga sa isang babae sa anumang aspeto habang nagbubuntis.

Binigyang diin din ang “facility-based delivery” o ang panganganak sa mga ospital o birthing centers na isinusulong ng pamahalaan upang masiguro ang ligtas na “maternal delivery”.
Layunin ng pamahalaan na maipaabot saan mang sulok ng lalawigan ang mga serbisyo at tulong na handog ng kapitolyo.