Ibinahagi ng Davao Fil-Chinese Multi-Sectoral Association ang 500 na luggage trolleys sa Davao International Airport nito lamang Mayo 27, 2024.
Personal namang dumalo sa turnover ceremony sina Davao Fil-Chinese Multi-Sectoral Association President Johnny Tan, Davao Chinese Consul General Zhao Xiuzhen, CAAP XI Area Manager Engr. Rex Obcena at iba pang opisyal ng lungsod ng Davao.

Isang malaking tulong ang handog ng mga kagamitan na ito lalo na sa mga pasaherong may mabibigat na bitbit tuwing bumabyahe. Tanging hiling naman ng naturang asusasyon ay pakaingatan ang mga luggage trolley na ito upang tumagal at mapakinabangan ng husto.