Dahil sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra insurhensiya ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay tuluyan ng sumuko ang isang suporter ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Zamboanga Sibugay, nito lamang ika-27 ng Mayo 2024.
Ang sumuko ay isang alyas “Cet” (Non-PSR Listed), suporter ng CTG-Affected Mass Organization (CAMO) Regional Urban Committee, Zamboanga Sibugay Chapter, WMRPC na nagsilbi rin bilang isang courier, look out at caretaker ng CTG.
Patuloy naman ang paghikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko na at gamitin ang tulong na iniaalok ng gobyerno sa pamamagitan ng E-CLIP at iba pang programa ng kasalukuyang administrasyon upang matulungan silang magkaroon ng bagong pananaw at mapayapang pamumuhay kasama ang kanilang pamilya.
Panulat ni JM