Personal na dumalo sa Blessing at Ribbon-Cutting Ceremony ng Tagum City Landfill Facility si Tagum City Mayor Hon. Rey T. Uy nito lamang Mayo 28, 2024.

Kasunod sa kaganapang ito ay ang naka-iskedyul na pagbubukas ng naturang pasilidad ngayong nalalapit na ika-1 ng Hunyo. Dagdag pa, ito ay posible alinsunod sa pagpapatupad ng Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Ang sampung ektaryang Landfill Facility na ito ay maaaring maka-imbak ng 100 toneladang basura. Maituturing rin itong environment-friendly sapagkat hindi makokontamina ang tubig sa ilalim ng lupa dahil sa proseso ng leachate treatment.

Nananawagan naman ang City Environment and Natural Resources Office sa lahat ng residente ng lungsod na ipatuloy ang paghihiwalay ng mga basura lalo na sa mga kabahayan upang maayos pa ring makolekta ang mga ito sa bawat barangay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *