Hindi makakalimutan ang naging pagdiriwang ng Davao Oriental State University sa 3rd Founding Anniversary nito lamang Mayo 28, 2024.

Sinimulan ang naturang pagdiriwang sa pamamagitan ng motorcade na siyang pinangunahan ng Davao Oriental State University (DOrSU) Marching Band.

Para naman sa program proper ay ibinida ng mga estudyante ang kanilang mga talento sa pagsayaw, pagkanta, pag-arte, body paint at arts.

Nakatanggap naman si Police Colonel Julius E Silagan, Provincial Director ng Davao Oriental Police Provincial Office, at ang kinatawan ng Philippine Army at City Traffic Management Office ng certificate bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin na siyang naging daan sa pagkamit ng ligtas na akademikong komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *