Matagumpay ang naging pagtatapos ng 3-Day Agri-Fishery Trade Fair sa Rizal Park, San Pedro Street, Davao City nitong ika-30 ng Mayo 2024.
Ang kaganapang ito ay nagsilbing pinakamalaking bahagi ng culmination week bilang pagdiriwang sa Farmer’s and Fisherfolk’s Month na may temang “Magsasaka’t Mangingisdang Pilipino, Saludo ang Buong Mundo sa Sipag, Tibay at Lakas Nyo”.
Ang unang araw ng perya ay sinimulan sa Ribbon-Cutting Ceremony kasunod ang pagbida sa iba’t ibang talento ng maraming grupo.
Hindi rin nagpahuli sa pagdalo ang mga bisita mula sa Davao del Sur at Davao del Norte na mas lalo pang nagpasaya sa naturang aktibidad.
Naghandog naman ng area security ang Davao City Police Office kabilang na rito ang Davao Auxiliary bilang suporta sa programa upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon ng Davao.