Walang humpay ang pagbibigay tulong ng Local Government Unit ng Iligan City sa isinagawang Serbisyong Iliganon sa Barangay San Roque, Iligan City nito lamang ika-30 ng Mayo 2024.
Ang programa ay aktibong nilahukan ng Bureau of Fire Protection, PSA, Task Force Iligan, Special Action Force, City Information Office, PhilHealth, City Engineers Office, Social Security System kasama ang mga miyembro ng Iligan City Police Office na namahagi din ng libreng tuli, pagkain at gupit.
Mahigit 200 benepisyaryo ang nabigyan ng tulong tulad ng serbisyong pangkalusugan, libreng gamot, edukasyon, legal assistance, livelihood, libreng konsulta sa ICWS services, Housing and Resettlement office services, at iba pang pangunahing pangangailangan para makatulong sa mga residente.
Layunin ng naturang aktibidad na ipadama ang suporta at malasakit sa lubos na nangangailangan ng kanilang nasasakupan.
Panulat ni Sendrijas