Labindalawang asosasyon sa Surigao del Norte ang tumanggap ng livelihood grants mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nito lamang ika-27 ng Mayo 2024, sa Surigao City Gymnasium.

Namahagi ang DSWD-SLP ng Php4,995,000 na livelihood grants sa mga bagong organisadong asosasyon, na magsisilbing seed capital fund nila para maitatag ang kanilang mga mungkahing aktibidad sa kabuhayan.

Pinangunahan nina Regional Director for Operations Jean Paul Parajes, Surigao del Norte Governor Robert Lyndon Barbers, Vice Governor Eddie Gokiangkee, Jr., at Tingog Party List Deputy Secretary General para sa Luzon Glenn Jude Rufino ang turnover ng livelihood grants sa mga asosasyon ng SLP.

Kasama nila sina Surigao City Mayor Pablo Yves Dumlao II, Vice Mayor Alfonso Casurra, Tingog Party List Surigao del Norte Engr. Felix Vension Chua, at ABC President ng Surigao City Florenillo Ravelo.

Ang Departamento ay umaasa na ang livelihood intervention na ito ay magbibigay ng kapangyarihan at kakayahan sa mga kalahok sa programa at makakatulong sa kanila na mapabuti ang kanilang socio-economic na kalagayan at ng kanilang mga pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *