Sinimulan na ang 4-day Medical Mission ng Halad Foundation nito lamang Mayo 29, taong kasalukuyan sa Davao Oriental Provincial Medical Center (DOPMFC).
Ito ay naging posible sa pakikiisa ng Southern Philippines Medical Center, Department of Health, Davao Oriental Provincial Medical Center, PDOHO Davao Oriental, City Health Office, Ministry of Health Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao, UCCP Social Concerns Foundation Inc., Frank Jerome Philippines Foundation Inc., Summerfrolic Organization at BLGU Dahican.
Handog ng programang ito ay libreng serbisyong medikal kabilang na rito ang minor general surgeries gaya na lamang ng cataract at pterygium removal para sa mga residente ng buong Davao Oriental.
Dumalo din sa opening ceremony si Davao Oriental Governor Hon. NiƱo Uy Jr. na binigyang-diin sa kanyang pahayag ang kahalagahan ng programang pangkalusugan.