Mahigit 869 na graduating students mula sa Lagao National High School ang nakatanggap ng Php5,000 na educational assistance ng programang DSWD sa Lagao Gymnasium nito lamang ika-30 ng Mayo 2024.
Pinangunahan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao at Senator Imee Marcos ang pamamahagi ng educational assistance sa mga beneficiaries.
Sa pakikipagtulungan ni Mayor Pacquiao at Sen. Imee Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Lubos naman ang pasasalamat ng mga graduating student kay Senator Marcos at DSWD dahil sa walang pagdadalawang-isip na pagtulong nila sa mga mamamayan ng General Santos City.
Nangako ang pamahalaan ng Gensan na suportahan ang mga kabataan ng General Santos City na naglalayong lumikha ng mas maraming pagkakataon para sa pag-unlad ng edukasyon.