Isa na namang bayanihan ang isinagawa sa Barangay Luban, Mati City, Davao Oriental nito lamang ika-4 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Ang bayanihang ito ay may temang “Davao Oriental Bayanihan: Alleviating Poverty and Sustaining Peace” na siyang pinangunahan ng aktibong Gobernador ng Davao Oriental na si Hon. Niño Sotero L. Uy.

Katuwang naman ng Davao Oriental PLGU ay ang Davao Oriental Police Provincial Office na personal na pinaanyayahan ni Provincial Director Police Colonel Julius E Silagan.

Dumalo naman ang mga kinatawan ng Philippine Army at Bureau of Fire Protection.

Dagdag pa, hindi rin nagpahuli si Ptr. Ruben Colmo ng Light House Church na siyang nanguna sa Pabahayanihan Project, isang proyektong nagpasimula sa paggawa ng bahay upang ihandog sa mga nangangailangan nito.

Ito ay isa lamang sa maraming bunga ng pagsusumikap ng iba’t ibang hanay ng gobyerno upang makapagbigay ng kasiyahan at suporta sa pang-araw-araw na pangangailangan lalo na ng mga residente ng Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *