Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Digos City Disaster Risk Reduction and Management Council para sa 2nd Quarter CDRRMC Meeting nito lamang ika-13 ng Hunyo 2024 sa Crown Center, Barangay San Jose, Digos City, Davao del Sur.

Nagsilbing tema sa pagtitipon na ito ang “Disaster Resilience Amidst Various Disaster”.

Kabilang naman sa mga dumalo si Police Lieutenant Reynante A Galanda, CAD Officer mula sa Digos City Police Station, kinatawan ng Philippine Coast Guard at iba pa.

Natalakay naman sa aktibidad ang accomplishment report para sa 1st Semester ng 2024, ang mga naging epekto ng El Niño at ang mga paghahanda para sa La Niña.

Dagdag pa, napag-usapan rin ang mga aktibidad para sa nalalapit na National Disaster Resilience Month o NDRM.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *