Davao Occidental- Ang mga Davaoñeos ay may sariling Little Boracay Beach Resort na ipinagmamalaki ang malinis nitong baybayin at mala pulbos na puting buhangin na dalawang bagay na kilala sa Isla ng Boracay.

Marami rin itong puno ng palma at mayroong malinaw na dagat na ginagawang beach haven.

Matatagpuan ang Little Boracay Beach Resort sa fishing village ng Barangay Sto. Niño, Colongan Road, Sta. Maria, Davao Occidental. Ang beach resort na ito’y may tinatayang dalawang kilometrong lawak ng baybayin at katabi ng Mt. Cuiawa.

Ang Isla sa Sta. Maria na replika ng Isla ng Boracay ay mas maliit ng di hamak sa totoong Isla ng Boracay na hindi pa gaanong kilala at sikat na dinarayo ng maraming turista. Mayroon rin itong puting buhangin sa dalampasigan, malinis na asul na tubig at kahanga-hangang underwater coral formation, at maraming iba’t ibang uri ng isda at iba pang nilalang sa ilalim ng dagat.

Gayunpaman, dahil sa mapayapang kapaligiran nito ay talagan namang gugustuhin ng mga turista lalo na ang isla na mararating lamang sa pamamagitan ng bangka mula sa town proper. Mayroong rin itong maayos na pamamalagian kung saan pwede mamalagi magdamag, maaari ring magsagawa ng mga retreat at seminar sa naturang isla.

Bukod dito, ang pananatili sa isla ay abot-kayang halaga, ang entrance fee dito ay Php10.00 para sa mga bata at Php20.00 para sa mga matatanda.

Ang presyo ng open day cottage ay Php75.00- Php400.00. Ang mga naka-air condition na room rate ay Php1,000.00 para sa dalawang tao. Napakabudget-friendly ang lugar na ito dahil hindi ka sisingilin ng dagdag na bayad para sa mga dalang ng pagkain, ibig sabihin walang corkage fee.

Higit pa rito, pwede ring magdala ng sasakyan o motorsiklo dahil ang resort na ito ay may maluwag na parking space para ma-accommodate ang mga bisita at turista.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *