Cagayan de Oro City- Matagumpay na isinagawa ang Kasalan ng Bayan sa Brgy Dansolihon, Cagayan de Oro City nito lamang ika-29 ng Hunyo, 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Rolando “Klarex” Uy, City Mayor ng Cagayan de Oro City katuwang si Vice Mayor Jocelyn Rodriguez at mga personahe ng LGU at Brgy Dansolihon Council.
Aabot sa 17 na mag-asawa ang ikinasal at bawat mag-asawa ay nakatanggap ng libreng lechon, wedding cake, alak at 5-kilong bigas.
Lubos namang ikinasaya at nagpapasalamat ang mga ikinasal sa pagbibigay legalidad ng kanilang relasyon para sa matatag na pundasyon ng kanilang pagsasama.