Tumanggap ng food packs mula Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga pamilyang apektado sa nagdaang El Niño na idinaos sa bayan ng Antipas, Cotabato nito lamang ika-3 ng Hulyo 2024.
Sa pangunguna ng tanggapan ni DSWD 12 Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr., at Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, matagumpay na naipamahagi ang nasabing food packs.
Umabot sa 1,462 na mga pamilya mula sa apat na barangay sa bayan ng Antipas ang nakatanggap at nagpasalamat sa tulong na pinaabot ng gobyerno.
Layunin nito na matulungan ang mga pamilya sa lalawigan na labis na naapektuhan ng nagdaang tagtuyot at makabangon sa dagok na hatid nito tungo sa isang maunlad na Cotabato.