Namahagi ng tulong ang tanggapan ng Butuan City Social Welfare and Development Department sa limang pamilya at 14 na indibidwal na naapektuhan ng sunog na naganap sa Brgy JP Rizal, Butuan City.
Ayon sa isa sa mga residente na nakasaksi sa pangyayari, nagsimula ang sunog sa kisame ng isang bahay dakong 4:00 ng madaling araw at nakontrol bandang 5:00 ng umaga.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog habang pansamantalang sumilong ang mga apektadong pamilya sa mga bahay ng kanilang mga kaanak.
Agad naman nagpa-abot ng tulong ang pamahalaan sa mga apektadong pamilya upang matulungan sa pangunahing kailangan at unti-unting makarekober sanhi ng sunog.