Umaarangkada sa lungsod ng Zamboanga ang Hechos de Zamboanga na isang Mini-Trade Fair ng Department of Trade and Industry-Zamboanga City Office (DTI-ZCO) nito lamang ika-17 ng Disyembre 2024.
Ang aktibidad na binuksan sa panguguna ni DTI-IX Regional Director Engr. Al-Zamir Lipae at DTI-ZCO Provincial Director Grace Aduca, kasama ang lokal na opisyal ng siyudad sa 2nd Floor ng KCC Mall de Zamboanga.
Tampok sa trade fair ang food at non-food products ng nasa 16 mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa Zamboanga City na naglalayong makilala ang iba’t ibang produkto sa nasabing lungsod.