Isang espesyal na pagtitipon ang inorganisa ng mga tauhan ng Davao de Oro Police Provincial Office upang ipagdiwang ang Children’s Christmas Party 2024 noong ika-16 ng Disyembre 2024.
Ang kaganapang ito ay puno ng iba’t ibang masayang aktibidad na nagbigay kasiyahan at hindi malilimutang alaala sa mga bata sa komunidad.
Sa pamamagitan ng mga palaro, mga pagtatanghal at pamimigay ng regalo naranasan ng mga kabataan ang saya ng Pasko at ang pagmamahal mula sa mga tagapagpatupad ng batas.
Ang inisyatibang ito ay hindi lamang simpleng selebrasyon ng Pasko, kundi isang simbolo ng patuloy na dedikasyon ng Davao de Oro PNP sa pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad, lalo na sa mga kabataan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Provincial Director Police Colonel Antonio D Alberio Jr., patuloy ang mga pulis sa kanilang misyon na maglingkod ng may tapang at malasakit, lalo na para sa mga kabataan.