Dalawang Small Enterprise Technology Upgrading Program o SETUP cooperator ang ginawaran ng Department of Science and Technology Regional Office-9 (DOST-9) ng Certificates of Ownership sa kanilang negosyo nito lamang ika-17 ng Disyembre 2024.
Ang paggawad ng sertipiko ay pinangunahan ng Provincial Science and Technology Office ng DOST-9 sa Zamboanga del Norte.
Ang mga business enterprise na naging benepisyaryo ng SETUP Project ay ang ChosenCo Digi Printing Services at ang Triple “A” Hollow Blocks Maker.
Ang ChosenCo ay nakatanggap ng ₱639,000.00 na tulong pinansyal para sa upgrading ng kanilang textile printing equipment.
Habang ang Triple “A” Hollow Blocks Maker ay nakatanggap naman ng ₱187,000.00 para sa pagbili ng hollow block-making machine at molder.
Ang SETUP ay isa sa mga nangungunang programa ng DOST na naghihimok at tumutulong sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na kumupkop sa technological innovations upang mapabuti ang kanilang mga produkto, serbisyo at operasyon; at tataas din ang kanilang produksyon at competitiveness.