Para mas mapalakas ang disaster response capabilities ng mga pangunahing stakeholder sa Mindanao, nakipagpulong ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office at Field Office Caraga kay Butuan City Mayor Hon. Ronnie Vicente Lagnada nito lamang Hulyo 5, 2024.

Ang mga pangunahing opisyal mula sa DSWD na sina Dr. Diana Rose Cajipe, Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG), SAS Leo Quintilla, Special Assistant to the Secretary for DRMG; at si Engr. Irish Flor Yaranon, Chief Administrative Officer para sa National Resource and Logistics Management Bureau. Kasama ang mga opisyal ng Field Office Caraga, sa pangunguna ni Asst. Regional Director for Operations Jean Paul Parajes at Disaster Response Management Division Chief Aldie Mae Andoy.

Nakatuon ang pagpupulong sa progreso ng pagtatatag ng Mindanao Disaster Resource Center (MDRC) sa Barangay Pinamanculan, Butuan City. Sa pagtaas ng baha at tindi ng mga kalamidad, ang MDRC ay magsisilbing sentro para sa pagtugon at suporta sa kalamidad sa buong rehiyon ng Mindanao.

Ang Lungsod ng Butuan ay itinuturing na isang magandang lokasyon para sa pagtatayo ng Disaster Resource Center sa sentro dahil sa mga pangunahing kalsada na nag-uugnay sa mga kalapit na lalawigan at rehiyon. Sa matinding suporta mula sa Local Government Unit (LGU) ng Butuan, nakatakdang itatag ang MDRC sa lalong madaling panahon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *