Isinagawa ng City Social Welfare and Development Division Butuan ang “Kamustahan Activity” para sa ating mga kababayan na nasa Bahay Pag-Asa nito lamang Hulyo 7, 2024.
Ang programa ay patuloy na ginagawa upang malaman at marinig ang kasalukuyang sitwasyon at matulungan sa mga dapat gawin para sa patuloy na rehabilitasyon.
Isa sa mga layunin ng aktibidad ay upang ipaalam at ipaliwanag ang progreso ng kanilang kaso, rehabilitasyon at mga hakbang na ginagawa ng departamento para mapaunlad ang kanilang sarili at ang mga susunod na aktibidad na kanilang gagawin.
Mahalaga na ang mga batang nasa bahay Pag-Asa ay makaramdam ng kalinga, naniniwala at sinusuportahan upang tuluyang magbago sa tulong at gabay ng taong nakapalibot at suporta galing sa pamahalaan.