Handog ng Department of Social Welfare and Development BARMM ang food packs distribution para sa 1,500 na residente mula sa ibat ibang barangay ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao del Norte nito lamang Lunes, ika-8 ng Hulyo 2024.
Pinangunahan ni Mayor Datu Lester Sinsuat, ang pamamahagi ng food packs sa mga residente na apektado ng kalamidad.
Pinasalamatan naman ng mga residente ang Local Government Unit ng Datu Odin Sinsuat at DSWD sa agarang ayuda na kanilang natanggap.